siraris watching the physics demo of pisayo..
pisayo 1: ..and classmate dont you know that eintein played this toy. in fact he invented it.
siraris: really? who told you about it? So when did you meet Einstein?
pisayo 1: sir it is pisayo 2 who told me.
siraris: pisayo2, when did you meet Einstein?
pisayo 2: ikaw bala sir nagtudlo ni sa akon pro.
pisaynon: sir, when did you meet Einstein?
siraris: hhhmmmm
pisaynon: *repeats* sir, when did you meet Einstein?
siraris: duh! it is time dilation. hahaha
learning is not only confined in the four walls of the classroom. it is sometimes confined in the four corners of the computer screen.
Wednesday, August 31, 2011
huling hibik sa buwan ng wika
Minamahal kong anak ng Diyos,
Maraming tao ang patuloy na nagpakahunghang sa mga pananaw na walang katibayan sa agham. Hindi ko naman talaga ipinangalandakan na agham lamang ang siyang puno't dulo ng katotohanan. Ngunit bilang guro sa asignaturang agham, nararapat lamang na ating ituwid ang baluktot na pag-iisip hinggil sa ating wikang pambansa. Ang sumusunod ay pawang mga bagay-bagay na hindi ko mapagtanto kung paano lumaganap sa kaibuturan ng isip at patuloy na naging batayan ng karamihan tungkol sa wika
1. Mas matalino ang mga taong bihasa sa panulat at salitang Ingles. Halimbawa, "Maaram dayang akon nga bata hay sagad tana mag Ingles"
Dahil lang ba sa marunong kang magsalita ng wikang banyaga ay naging matalino ka na rin? Sino ba ang pasimuno ng ganitong pag-iisip? Maraming pagkakataon kong nakadaupang palad ang mga taong magagaling sa wikang Ingles pero mapurol naman sa pag-unawa nito. Isang katibayan dito ay ang pag-unawa sa mga gawain sa Pisika. May mga mag-aaral na hindi ko lubos maatim na matataas ang marka sa wikang Ingles ngunit hindi man lang naisagagawa ang pagbabanghay ng sitwasyon. Iyon pala ay hanggang sa "papronounce pronounce" lang pala.
2. Ok lang na mababa ang marka sa asignaturang Filipino dahil lahat naman talaga ay nahihirapan dito.
At kailan pa naging ok o tama ang isang bagay dahil "marami" ang ma'y suliranin dito? Hindi ba't mas maging madali ang pag-aaral nito dahil ito ay sariling iyo? Bakit parang ikinakaila mong mas dapat na natural ka sa pagsasalita ng banyaga kaysa sa iyong sariling wika?
Kung tutuusin hindi maikakaila na ang mga nabanggit sa taas ay pawang produkto ng neocolonialism. Hindi pa rin maiwaglit ng iba na tayo ay mayroong sariling wika na dapat nating tangkilikin at pagyamanin. Mayroon pa ring mga Filipino na siyang naging mitsa upang patuloy na iangat ang ibang wika kaysa sa kanya. Wala akong sinasabi na hindi mahalaga ang ibang wika. Bagkus ninais ko lamang na maging kapantay ang ating pagkandili sa ating wika at sa ibang wika.
Ang katalinuhan ay hindi lamang pagkatuto sa iisang wika. Ito ay maaarok sa kung gaano ka kagaling sa iba't ibang salita. Hindi ba't henyo ang turing natin kay Doktor Jose Rizal sapagkat maalam siya sa 22 wika. Kung ikaw na nagmaang maangan na "matalino" daw, bakit hindi ka bihasa sa iyong sariling wika. Ang tunay na kagalingan ay hindi lamang sa iisang wika ngunit sa maraming wika at ang pagkatuto nito.
Sinasabi nila na ang wika ay buhay. Habang patuloy itong ginagamit ng mga tao at patuloy na itinataguyod maging mas masigla ang kanyang maging buhay. Nasa atin nakaatang ang pagkalinga nito.
siraris

Thursday, August 11, 2011
your pledge (PSHS Scholar's Pledge)
You are a Philippine Science High School scholar committed to the pursuit of excellence, foremost in your academic life and later, in your service to the Filipino people; to whom you owe your gift of education and to whose uplift you must dedicate your God-given talents and acquired expertise in science and technology. You envision yourself as creative, inventive and innovative; taking the lead in initiating positive changes that will enrich your school, your community and the Philippine society. As a scholar, you embody the scientific spirit: inquisitive, logical, analytical and critical but also equally imbued w/ the humanist values of justice, compassion, prudence, integrity and humility. You are committed to the perpetuation of the human race and the preservation of the universe that is its home. You finally envision yourself as actively professing and operationalizing love of God, country, others and self in all your goals, activities and achievements.
Monday, August 1, 2011
nobody knows
waiting for an answer..
siraris: so who can tell me now?
waits some more..
siraris: my goodness! nobody knows?! don't tell me that nobody knows the answer in this room.
pisaynon: you mean sir even you don't know the answer?
siraris: of course i know the answer.
pisaynon: well it consoles me to know that at least someone knows.
siraris: hahaha!

cd-r king
Minamahal kong Santa,
Sana bago sumapit ang Pasko hindi na nagsusulat ng resibo ang mga tindera sa CD-R King. Pwede bang regalo mo na lang sa akin na sila ay magkaroon ng kaukulang panguguna na gamitin ang ilan nilang produkto para sa MAS MABILIS na serbisyo.
Nagmamakaawa,
CD aRis King the 1st

Subscribe to:
Posts (Atom)