Saturday, April 20, 2013

Sir Aris, what can you say about the rift between Jaypee and Janine?



Jaypee and Janine
dahil sa pambansang hiwalayan na ngayo’y usapin
kahit saan man mapadako at anumang babasahin
laging kaakibat nito ay isyo nina jaypee at janine
na kesyo ang babae’y maharot at si lalaki’y alipin

hayaan ninyo akong makisawsaw tulad ng iba
usaping pag-ibig hahayaan ko na lamang ba?
sapagkat naturingan pa naman akong romantiko
daig na daig ko raw ang kamandag ni kupido

maharot ba ang tawag kung ikaw ay matapat
sapagkat alam na alam ni jaypee ang dulo ng lahat
hindi ba inamin ni janine sa programang kris tv
na siya ay nagfollow lamang sa twitter kay Danny

kaya naman sa pagfollow nagsimula ang gusot
dinamdam ng lalaki ang palitan ng tweet at sagot
nagkatampuha’t nagkairingan naging masalimuot
nauwi sa hiwalayan at ngayo’y isang asungot

tama ba ang ginawa ni jaypee na kanya lang hinayaan
na mauwi sa wala at hindi man lang pinaglaban
na ang sa kanya’ naiwala bagkus nagmartir martiran
dahil sa ang nais ay ang kabiyak matamo’y kaligayahan

ito namang si janine ay di matawaran ang galak
tama ba namang ang namumuo’y ipangalandak
hindi ba niya napagtanto ang sasabihin ng publiko
kaya heto harot queen na naturingan ng mga tao

pero teka lang tayo ay tumigil at magpakamahinahon
napag-alaman ba natin ang lahat ng pagkakataon
kung kailan naging tama o mali an gating pagtugon
sa ating damdamin alam mo ba ang siyang nilalayon

sino ba ang makapagtanto kung ano ang makabubuti
masasabi mo bang talaga na sila ay walang bait sa sarili
kung makapagsalita tayo parang dalubhasa sa pag ibig
samantalang magpahanggang ngayon ikaw ri’y ligalig

all is fair in love hindi ba natin iyon napag-alaman
na walang batas, walang perpekto at walang nakakaalam
pawang mga damdamin ng dalawang tao na sangkot
lubayan natin silang dalawa at hayaan sa kanilang sigalot

No comments:

Post a Comment